Mga larawan
Ang FREEIMAGE.HOST ay isang hosting service, ibig sabihin ay isa kaming kasangkapan para sa mga user na mag-upload at mag-imbak ng sarili nilang mga larawan nang libre. Ang Freeimage.host ay hindi, sa anumang kaso, dapat ituring bilang pangunahing backup service.
Hindi pinapayagan sa FREEIMAGE.HOST ang materyal na naglalaman ng alinman sa mga sumusunod at ito ay buburahin.
- §01 Sensitibong data (materyal na nagpapakita ng anumang sensitibo o personal na data nang walang pahintulot)
- §02 Materyal na nagpapakita ng mapanganib na ilegal na gawain
- §03 Mga larawan ng mga bata na nagpapakita ng anumang uri ng kahubaran o iba pang mapang abusong materyal.
- §04 Copyrighted na materyal
Intelektwal na Ari arian
Sa pag upload ng file o ibang nilalaman o sa pag gawa ng komento, ikaw ay kumakatawan at nagbibigay garantiya sa amin na (1) ang paggawa nito ay hindi lumalabag o sumasagasa sa karapatan ng iba; at (2) ikaw ang gumawa ng file o ibang nilalamang iyong ina upload, o mayroon kang sapat na karapatang intelektwal para i upload ang materyal alinsunod sa mga term na ito. (3) May mabuti kang pagkaunawa sa iyong privacy settings sa website na ito. Kung hindi ka mag set ng pribadong profile, pribadong album o iba pang limitasyon, makikita ang iyong mga larawan sa pampublikong bahagi ng aming website.
PAGGAMIT NG NILALAMAN NG FREEIMAGE.HOST
Sa pag-download ng isang larawan o pagkopya ng ibang user-generated na nilalaman (UGC) mula sa FREEIMAGE.HOST, sumasang-ayon kang wala kang inaangking karapatan dito. Ang mga sumusunod na kondisyon ang umiiral:
Pagtatatwa sa mga Warranty, Mga Limitasyon ng mga Remedyo, Indemnity
Bagama't nagsusumikap kaming gawin ang FREEIMAGE.HOST na maaasahan hangga't maaari, ang mga serbisyo ng FREEIMAGE.HOST ay ibinibigay na AS IS – WITH ALL FAULTS. Ang paggamit mo sa aming serbisyo ay lubos na nasa iyong sariling panganib. Hindi namin ginagarantiya ang availability ng aming serbisyo anumang oras, o ang pagiging maaasahan nito kapag ito ay tumatakbo. Hindi namin ginagarantiya ang integridad, o ang patuloy na availability, ng mga file sa aming mga server. Kung kami man ay gumagawa ng backup, at kung oo, kung magagamit sa iyo ang pagpapanumbalik ng mga backup na iyon, ay nasa aming pagpapasya. TINATATWA NG FREEIMAGE.HOST ANG LAHAT NG WARRANTY, HAYAG AT IPINAHIWATIG, KABILANG NGUNIT HINDI LIMITADO SA MGA IPINAHIWATIG NA WARRANTY NG FITNESS AT MERCHANTABILITY. SA KABILA NG ANUMANG NAKASAAD SA MGA TERMINONG ITO, AT KAHIT NA KUMIKILOS O HINDI ANG FREEIMAGE.HOST PARA ALISIN ANG HINDI ANGKOP O MAPANANAKIT NA NILALAMAN SA KANYANG SITE, WALANG TUNGKULIN ANG FREEIMAGE.HOST NA I MONITOR ANG ANUMANG NILALAMAN SA KANYANG SITE. HINDI INAANGKIN NG FREEIMAGE.HOST ANG PANANAGUTAN SA KATUMPAKAN, KAANGKUPAN, O KAWALANG PINSALA NG ANUMANG NILALAMANG LUMALABAS SA FREEIMAGE.HOST NA HINDI GAWA NG FREEIMAGE.HOST, KABILANG PERO HINDI LIMITADO SA USER CONTENT, ADVERTISING CONTENT, O IBA PA.
Ang tanging remedyo mo sa pagkawala ng anumang serbisyo at/o anumang larawan o ibang data na maaaring naimbak mo sa serbisyo ng FREEIMAGE.HOST ay ang ihinto ang paggamit sa aming serbisyo. HINDI MANANAGOT ANG FREEIMAGE.HOST SA ANUMANG DIREKTA, HINDI DIREKTA, INSIDENTAL, ESPESYAL, KAHIHINATNAN, O PUNITIVE DAMAGES NA NAGMUMULA SA IYONG PAGGAMIT O HINDI PAGGAMIT NG MGA SERBISYO NG FREEIMAGE.HOST, KAHIT NA NAABISUHAN O DAPAT ALAM NG FREEIMAGE.HOST ANG POSIBILIDAD NG GANITONG MGA PINSALA. WALANG DAHILAN NG AKSYON NA NAGMUMULA SA IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO NG FREEIMAGE.HOST NA MAAARING IHARAP MAHIGIT SA ISANG TAON PAGKATAPOS NITO.
IINDEMNIFY AT PANANAGUTAN MONG PANATILIHING WALANG PINSALA ANG FREEIMAGE.HOST AT LAHAT NG KANIYANG TAUHAN MULA SA LAHAT NG PAGKALUGI, PANANAGUTAN, MGA CLAIM, PINSALA AT GASTOS, KABILANG ANG MAKATUWIRANG BAYAD SA ABOGADO, NA NAGMUMULA O MAY KAUGNAYAN SA IYONG PAGLABAG SA MGA TERM NA ITO, IYONG PAGLABAG SA ANUMANG KARAPATAN NG IKATLONG PARTIDO, AT ANUMANG PINSALANG NAIDULOT SA ANUMANG IKATLONG PARTIDO BUNGA NG IYONG PAG AUPLOAD NG MGA FILE, KOMENTO, O ANUMANG BAGAY SA AMING MGA SERVER.
